Sabado, Hulyo 20, 2013

Economic Policy: Thoughts for Today and Tomorrow

The articles in this outline are not as I desired. I am thinking of rewriting them if ever I will have a chance to teach these topics. As imperfect as they may appear, I just want to share my summaries of Ludwig von Mises' lectures on "Economic Policy". I want to do it in Q & A form. To read the details, the reader is advised to go to the article itself. 

So here's our simplified  Q & A on economic policy:



Answer: For people believe what the mainstream says about capitalism.




Answer: For people do not know its real face and its erroneous foundation.




Answer: Whether you know it or not, whether you believe in its existence or not, it does not go away. The fact is, it increases in power as long as people are not aware about its existence and the harm it is doing to the economy.




Answer: You have to understand the historical meaning of inflation. The way it is used today is different from the way it was used in the past. In the past, inflation meant increase in money supply. 




A. It's the increase in capital investment per capita that matters. Whatever economic policies that prevent the accumulation of both domestic capital and the entrance of foreign investment must be discarded if we want our country to achieve higher standard of living.




Answer: It depends on our ideas. If we continually cling to ideas that shaped bad economic policies in the first place, for sure, Western civilization will collapse. We just do not know when. It still depends on people's response to Statism. So the need of the hour is to replace bad ideas with better ideas.



The ideas in all these questions and answers are taken from Ludwig von Mises' book, "Economic Policy: Thoughts for Today and Tomorrow". Mises' central point throughout his lectures is about the better economic policy that will improve people's lives. The choice is between socialism and capitalism. He exposed the real face of socialism and its two most destructive policies - interventionism and inflation. He clarified several misconceptions about capitalism and argued for the case of capitalism as the only economic system that can increase people's standard of living.





Sabado, Marso 23, 2013

Ang Pananaw ni Frederic Bastiat Ukol sa Batas

Ilang mga tema ang tinalakay ni Bastiat na may kinalaman sa kaniyang pangunahing paksa - ang Batas. Kasama sa mga ito ay pamahalaan, legal na pandarambong, sosyalismo, demokrasya, komunismo at kalayaan. Bago natin isa-isahin ang mga temang ito, hayaan niyo na maibahagi ko sa artikulong ito ang aking pagkaunawa sa pananaw ni Bastiat ukol sa batas.


Maliban sa superioridad ng kakanyahan, kalayaan at ari-arian sa batas at sa kanilang prioridad bago pa lumikha ang tao ng batas, may dalawa pang mahalagang mga relasyon na nagbibigay-linaw sa pananaw ni Bastiat ukol sa batas. Ang mga ito ay relasyon ng batas sa natural na karapatan at katarungan. Makikita sa mga ugnayang ito ang lehitimong gamit ng batas.


Para kay Bastiat, ang batas ay batay sa indibidwal na natural na karapatan na ipagtanggol ang buhay, kalayaan at ari-arian. Ang indibidwal na karapatan na ito ay kolektibong isinaayos. Kinilala ni Bastiat ang ganitong uri ng pagsasa-ayos na "kolektibong karapatan" kung saan ang mga miyembro ng pangkat ay maaaring lehitimong gumamit ng pwersa upang ipagtanggol ang kanilang mga karapatan.


Mahalaga sa puntong ito na maunawaan na ang kolektibong karapatan ay hindi lumitaw ng hiwalay sa indibidwal na karapatan. Ang kolektibong karapatan ay kumakatawan lamang sa indibidwal na karapatan. Hindi ito maaaring gumamit ng pwersa upang labagin ang mga indibidwal na karapatan. Ang paggawa nito ay kabuktutan ng kolektibong karapatan at samakatuwid ay kabuktutan ng batas.


Ang ganitong uri ng kabuktutan ay nagaganap kung ang pwersa ay ginagamit upang alisan ang isang tao ng kanyang kakanyahan, kalayaan, at ari-arian. Sa halip na maghatid ng katarungan na siyang pangunahing layunin sa pagkakaroon ng batas, ito ay ginamit bilang isang kasangkapan para sa pagkawala ng katarungan.


Ipinahayag ni Bastiat ang pangunahing tungkulin ng batas na may kaugnayan sa katarungan sa dalawang paraan - "maging sanhi ng paghahari ng katarungan" o "upang maiwasan ang paglaganap ng kawalan ng katarungan". Dahilan sa panaanw na ito, si Bastiat ay laban sa paggamit ng batas upang ayusin ang paggawa, edukasyon at relihiyon. Para sa kaniya,aalisin ng ganitong gawain ang katarungan sa lipunan at ito ay paghaharian ng kawalan ng katarungan.


Binatikos ni Bastiat ang mga sosyalista bunga ng kawalan ng pagkaunawa sa relasyong ito. Kapag ang batas ay ginagamit upang ayusin ang paggawa, edukasyon at relihiyon, ito ay lalabag sa indibidwal na karapatan. Sa ganitong paraan, ang organisasyon ng paggawa, edukasyon at relihiyon ay magdudulot ng pagkawala ng katarungan.


Niniwala si Bastiat na ang paghahari ng katarungan sa pamamagitan ng batas ay nangangahulugan na ito ay hindi maaaring gamitin upang isaayos ang iba pang mga gawain ng tao, ito man ay paggawa, kawanggawa, agrikultura, komersiyo, industriya, edukasyon, sining, o relihiyon. Kung ito ay ipagpipilitan, wawasakin nito ang katarungan.


Kung titingnnan sa ganitong pananaw, walang sinumang mambabatas o mga grupo na may natatanging interes ang may karapatan na gamitin ang "kolektibong karapatan" na lumalabag sa indvidual karapatan. Kung hindi, hindi natin maiwasan ang madilim na sitwasyon na tulad nito:
Hindi na kailangan ng mga tao ang talakayan, paghahambing at pagpaplano; ginawa na ito ng batas para sa kanila. Ang katalinuhan ay wala na ring silbi; ang mga tao ay tumil na sa pagiging tao; nawala na sa kanila ang kanilang pagkatao, kalayaan at ari-arian.
Tayo ay hinahamon ni Bastiat na isipin ang mapanirang epekto sa kalayaan at ari-arian ng batas na layong magsa-ayos ng paggawa at kayamanan:
Subukan niyong isipin ang regulasyon ng paggawa na ginamitan ng pwersa na hindi paglabag sa kalayaan, ng paglilipat ng kayamanan na ginamitan ng pwersa na hindi paglabag sa ari-arian. Kung hindi mo kayang pagtugmain ang mga salungatang ito, nagpapatunay lamang na hindi maaaring ayusin ang paggawa at industriya na hindi rin ino-organisa ang kawalan ng katarungan.
Bilang pagbubuod, nakita natin na ang paghahari ng katarungan ay nangangahulugan ng pagtatanggol ng kakanyaha, kalayaan at ari-arian. Kung wala ang ganitong uri ng proteksiyon, hindi umiiral ang katarungan. Ito ang pangunahing tungkulin ng batas.

Biyernes, Pebrero 22, 2013

Thinking Economically about Politics


Sa nalalapit na halalan sa buwan ng Mayo, sa tingin ko ay magandang paalala sa mga Filipino ang artikulo ni Russell Roberts na may pamagat na “Pigs Don’t’Fly…”

Kaniyang sinabi na huwag tayong masyadong aasa sa mga politiko. Sila ay mga tao ring tulad natin; hindi sila mga diyos.

Bilang mga tao, nahihirapan silang panghawakan ang kanilang mga prinsipiyo pag dumating na ang mga “insentibo”. Kung isakripisyo man nila ang kanilang mga prinsipiyo, mahusay nilang mapapangatwiranan na tama ang kanilang ginawa marahil dahilan sa ito talaga ang kanilang paniniwala o sasabihin nila na may mga pagkakataon na kinakailangang gawin ang maling mga bagay upang makagawa ng tama sa bandang huli.

Marahil marami sa atin ay nasanay na kaya hindi na tayo nabibigla. Huwag tayong masyadong magpapaniwala sa kanilang mga sinasabing prinsipiyo, na ginagawa nila ang lahat ng bagay para sa kapakanan ng publiko.

Maging makatotohanan tayo sa ating pagtingin sa mga pulitiko. Huwag nating iisipin na ang mga pangit na aspeto ng pamahalaan ay sanhi ng maling mga taong naluklok sa kapangyarihan. Huwag din natin iisipin na kung mahahalal lamang ay ang mahuhusay na mga tao, marahil ay bubuti ang ating kalagayan. Sa katotohanan, hindi mahalaga kung sino ang nasa puwesto,  sila lamang ay tumutugon sa mga “insentibo”.

Huwag gaanong umasa sa mga pulitiko at tiyak na bihira kang mabibigo kabilang na ang mga pulitikong sa tingin mo ay may prinsipyo. Ganito gumagana ang tunay na mundo.

Kung matutunan natin na tumingin sa larangan ng politika sa pananaw ng isang ekonomista, mauunawaan natin na ang ideolohiya at partido ay mababa ang halaga kung ihahambing sa mga “insentibo”.

Mag-ingat kung magkagayon kapag naririnig mo na sinasabi ng mga pulitiko kung gaano kahalaga sa kanila ang kapakanan ng bayan, ng mga bata, ng kapaligiran o ng kalusugan, bantayan mo ang iyong bulsa at bantayan mo rin ang mga grupong magsasamantala sa mga propagandang nagsasabi na laang maglingkod na buong sigasig at walang halong pag-iimbot.